nina Cynel Dela at Jhon Eric Parum
Cynel Dela at Ivy Lyka Catimbang |
Upang
paigtingin ang kamalayan ng mga magsasaka, mamimili at mag-aaral na pahalagahan
ang mga lokal na bigas kaysa mga iniaangkat, ikinasa ng Kagawarang
Pang-agrikultura ang pagdiriwang ng National Rice Month na ginanap noong
Nobyembre 5 hanggang 6 sa Iloilo City.
"Buy
Local. Eat Local. Suport Our Rice Farmers” ang tema ng naturang programa na
dinaluhan ng mahigit kumulang 150 na mga magsasaka, mamimili at mag-aaral mula
sa iba’t ibang pamantasan at lugar sa rehiyon VI.
John Rey delos Santos |
Ayon
kay Department of Agriculture (DA) Western Visayas Regional Executive Director
Remelyn R. Recoter, ang pagdiriwang ay kasabay ng kasalukuyang sitwasyon ng
lokal na industriya ng bigas matapos ang pagpasa ng Rice Liberalization Act.
“The
government has lifted the importation ban to reduce the market price of rice. DA
has aided rice farmers especially to those who have less than one-hectare
farm,” aniya.
Kaugnay
nito, upang hikayatin ang lahat na tangkilikin ang mga lokal na produkto ng
bansa, nagsagawa ang DA ng ilang mga aktibidad na kasangkot ang mga magsasaka,
kababaihan sa kanayunan at kabataan.
Jinky Dogello |
Ang
mga mag-aaral sa kolehiyo na kumukuha ng Bachelor of Science in Agriculture at
iba pang mga kursong pang-agrikultura ay nagtagisan ng galing sa Rice Art
Contest at Agri Talino Quiz Bee Challenge.
Itinanghal
na kampeon sina Ivy Lyka Catimbang at Cynel Dela ng Capiz State University
Pontevedra Campus sa Rice Art Contest habang inuwi naman ni Jinky Dogello ang
ikatlong gantimpala at ni John Rey delos Santos and ika-apat na gantimpala sa Agri Talino Quiz Bee.