Followers

Thursday, August 31, 2023

 

‘Paghugpong sang mga Tumandok’ itinampok ng KapFil;

CaPEDS itinanghal na kampeon

ni Kyla Mae Villareal

Inihandog ng Kapisanan sa Filipino (KapFil) ng Capiz State University Pontevedra Campus sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2023 ang patimpalak na "Paghugpong sang mga Tumandok," na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang samahang nagtagisan ng kahusayan sa pagsayaw at interpretasyon sa pag-arte kasama ang malalim na pag-unawa sa iba't ibang wika at kultura ng bansa.

Itinanghal na kampeon sa nasabing patimpalak ang "Ibaloi" ng CapSU Association of Physical Education Students (CaPEDS), samantala ang "Gadang" ng Society of Undergraduate Math Students (SUMS) at Diwa ng Teknolohiya at Agham (DIWATA) ay nagkamit ng ikalawang gantimpala at ang "Yakan" mula sa organisasyon ng The Linguist Club at The Generalist para sa ikatlong gantimpala.

Samantala, naghandog ang bawat kasapi ng KapFil ng unity dance bilang pagpapakita ng kanilang pasasalamat at pagkakaisa.

Nagpahayag si Gng. Ricaflor R. Avila, Tagapayo ng KapFil, ng kaniyang pasasalamat sa lahat ng mga nag-ambag upang maging matagumpay ang Buwan ng Wika 2023. Pinuri rin niya ang malasakit at dedikasyon ng mga mag-aaral sa pagpapakita ng kanilang pagmamahal sa wikang Filipino at sa mga katutubong wika na nagbigay-kulay sa kulturang Pilipino.

Sumentro ang taong selebrasyon ng Buwang ng Wika sa temang "Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan."

Kuha mula sa ipinamalas na performance ng CapEDS. Larawang Kuha ni Jesie Maido.