Alaala lang pala
by Joshua Baquilar
Sa pagpikit ko ng aking mga mata,
iyong mga haplos ay damang-dama,
iyong mga munting halik,
tila'y lasap ko pa,
sa iyong bisig ako'y nakakulong,
ni minsa'y hindi nag-aasam na ito'y matapos,
sa iyong pagtitig,
aking kalamna'y nalulusaw,
iyong mga salitang,
bawat titik ay nakatatak sa aking puso.
Ngunit sa pagsapit ng umaga,
at sa pagmulat ng mata,
hindi maikakailang ang lahat ng aking nadarama,
isang alaala lang pala.
Photo credits: google.com
No comments:
Post a Comment