dapit-hapon
ni Ma. Angeny Joy Villanueva
Dapit-hapon nang aking napagtanto
ako'y matanda na at ang paligid ay napapalibutan ng puno
ang urban at estetiko ay pinagpalit sa kalayaan at kapaligiran.
Mga huni ng ibon at dasal ng puno ang umangkin sa langit ng hapon,
ito ang aking paraiso, malayo't malaya sa sigalot dala ng nayon,
o,siya na halika't tabihan mo ako,
tayo'y magmeryenda sa ilalim ng ulap at langhapin ang simoy ng hangin sa dalampasigan.
No comments:
Post a Comment