Followers

Saturday, April 3, 2021

 alunig

ni Ma. Angeny Joy Villanueva


isang araw sinubukan kong humingi ng tulong,

at ni isa'y walang sumagot na para bang ito'y isang bulong.

ngunit hindi ako tumigil at napag-isipan na humiyaw,

pero sa kasamaang palad ay wala pa rin nakarinig sa aking sinigaw.


ano  kayang problema sa mga tao?

pilit ba silang nagtatago?

o di kaya'y nagbibingi-bingihan,

para hindi maabala at mapuntahan?


nais ko lang naman na inyong dinggin,

itong aking tinatagong mga saloobin,

na matagal ko na rin kinikimkim,

para malaman niyo na ang aking mga nililihim.


alam kong sa iba ay wala itong kwenta,

ngunit para sa akin ito'y nagtataglay ng mahalagang tema,

na kahit nagkukunwari kang walang narinig,

batid ko namang may dumadaloy na alunig.






No comments:

Post a Comment