Nanay
Kong Dakila
ni Charlie Mae Esimos
Bakit ko siya ikahihiya?
Dahil ba sa buhok niyang
nalalagas na
Dahil ba sa siya’y sadyang
tumataba na
O dahil sa kanyang balat na
nangingitim na?
Nilalakad ang kilo-kilometrong
palayan
Tinitiis ang tirik na init ng
haring araw
Gutom at uhaw man kanyang ipinagpapaliban
Makakita lang ng samo't saring
gulay na mapagkakakitaan.
Pagod at gutom ma’y patuloy
siyang lumalaban
Determinasyon ni ina ay magdamagang
umaapas
Tuhod man ay umaalog; mata man ay
nandidilim
Pagsisikap niya’y kita sa mga
sakong kaniyang pasan-pasan.
Iyan ang aking ina, isang hamak na
magsasaka,
Ngunit bakit ko nga ba siya
ikahihiya?
Kung iyan ang tanging kayang gawin
niya
Marangal na trabahong nagpapaaral
sa’ming mga anak niya.
Maaga mang pumanaw ang aking ama
Hindi namin alintana dahil
nariyan si ina;
Handang magsakripisyo’t ibuhos lahat
ng makakaya
NANAY kong isang MAGSASAKA, sa
amin siya’y tunay na dakila.
No comments:
Post a Comment