Followers

Thursday, October 6, 2022

Healthy family cohesion, a strength of a family – Dr. Dangan

by John Paul L. Araneta

Capiz State University Pontevedra Campus holds a joint team-building activity, and Faculty and Employee Appreciation Day with a theme, “Pagpaambit kag Paghiliusa: Isa ka Pamilya nga Nagabuylog kag Naga-ululupod para sa Serbisyo sang Tagsa-tagsa,” on September 29, 2022, at CapSU Pontevedra gymnasium.

Dr. Honey Lee E. Casa, the Campus Administrator, delivered her opening remarks focusing on the significance of holding a Family Day as an opportunity for everyone to reflect on the importance of spending quality time with our co-workers and colleagues.

The Vice President for Academic Affairs, Dr. Susan O. Dangan, served as the resource speaker who talked about the value of family cohesiveness.

“No matter how small you can be, as part of the organization, you can always share to make your organization rich and to make your family rich.  Hindi man lang sa mga material things we can measure the richness, the happiness of a family. Healthy family cohesion is our strength as a family,” Dr. Dangan said.

The University President, Dr. Editha C. Alfon, served as the inducting officer of the newly elected Teachers and Employees Association (TEA).

“I know that you are working so hard for the improvement of the university. We are well known in the Top 10 for having the most number of accredited programs and we will hope we can maintain the standard. They are working for the ISO re-certification of our university and we are enjoying the fruits of our labor for having our board examinees in the top 10,” Dr. Alfon said during her inspirational message.

The newly hired personnel and the retirees were presented by Dr. Pet Roana B. Batacandolo, HRMO Designate. Certificates and a token were awarded to the retirees as a gesture of appreciation for the meritorious and dedicated services rendered to the university.

The newly inducted TEA President, Dr. Rossandrew B. Villaruel, gave his message to the retirees and Prof. Danilo Dillera responded on behalf of the retirees.

“To all of you, our retirees, congratulation! Capiz State University, specifically, Pontevedra, is always open to you, and CapSU is always grateful for the services that you have rendered. You are part of our family,” Dr. Villaruel stated.

Meanwhile, Dr. Carmelo Adrian Almeida, Medical Officer III, did the health check and discussed some of the common illnesses and their underlying symptoms. He emphasized that he is always open to catering to the consultation needs of the faculty and staff.

Finally, during team building activities, Laro ng Lahi games were prepared. There were four (4) color-coded groups competing. In the Cheer Dance competition, Red Team was declared champion, while Yellow Team won in Sack Race and Dakop2 Baboy. Blue Team was hailed overall champion as the team emerged victorious in Tug of War, Saw-a Itlog Ko, and Crab Tying.

Photo courtesy from: CapSU Association of Physical Education Students (CAPEdS Facebook page.


Tuesday, October 4, 2022

GURO Ka, Hindi GURO Lamang


ni Jesie Maido 

 

Kumusta ang ilang dekadang pakikibaka?

Ilang pangarap na ba ang naitaguyod at naisalba?

Mga pagod na matagal nang humihingi ng pahinga,

Sana ngayon ang pag-asam ay nakamtan na.

 

Pagtuturo - isang propesyon, bokasyon at misyon;

Dito nasusukat ang tibay, pasensya at determinasyon.

Laba’y sinusuong kahit walang ibang proteksyon

Mga kabataan mabigyan lamang ng sapat na edukasyon. 

 

Nagsisilbing tulay sa mga hirayang napagod maghintay,

Tagagabay sa pagtuklas ng panibagong karunungan sa buhay.

Sa kasiyahan at kabiguan sa mga kabataan nagsisilbing karamay,

Walang pag-aalinlangang buhay iaalay makamtan lang rurok ng tagumpay.

 

Papel na ginagampanan sa buhay walang makapapantay

Nagbibigay liwanag sa sa madilim na landas

Nagsisilbing susi sa saradong isipan

GURO ka, hindi GURO lamang.

 

Sa Lahat ng Sakripisyo at Pagmamahal, Salamat Aking Guro

ni Millean Longno 

Ma’am. Sir. Ito ang bukambibig natin sa araw-araw na halos hindi matapos-tapos hanggang sa ating pagtanda. Sina Ma’am at sir na siyang nagbigay ng mga aralin na baon-baon. Sina Ma’am at sir na humubog sa ating mga kakayahan. Sina Ma’am at sir na nagbigay sa atin ng mga pangaral sa buhay. Sina Ma’am at sir na naging hagdan tungo sa pag-abot sa minimithing pangarap.

Ang salitang 'guro' ay umukit ng kakaibang damdamin sa ating mga puso at tumatak ng kakaibang antas ng paggalang at paghanga. Sila ang tinuturing na pangalawang magulang na nagtuturo sa atin na laging piliing tahakin ang tamang landas sa pamamagitan ng kanilang mga pangaral at paggabay na nagpapaalala sa atin sa kung ano nga ba talaga ang naaayon at nararapat.

Mula pagkabata kung saan kababakasan ng kawalang alam at pagiging inosente hanggang sa kasalukuyan nating kilalagyan kung saan nagkaroon ng muwang sa sitwasyon ng mundong ginagalawan,  ang ating mga guro ang laging nariyan upang ialay ang sarili at ibahagi ang angking kaalaman sa bawat isa sa atin. Maraming pagkakataon sa kanilang buhay na hindi na nila maasikaso ang kanilang sarili matugunan lamang ang mga pangangailangan sa paaralan at magampanan ang propesyong nakatakda.

Sa pag-unlad ng isang bansa, tiyak na malaki ang kontribusyon ng bawat guro. Sabi nga nila, “Teaching is the profession that creates all other professions.” Sila ang puno’t dulo ng lahat ng taong nakatungtong sa kani-kanilang sariling propesyon. Paulit-ulit man kung pakinggan subalit ang katotohanang ito ay mahirap mapasusubalian. Walang doktor na gumagamot sa atin, walang mga enhenyero na gumagawa ng mga gusali, walang piloto na magpapalipad ng eroplano, at iba pang trabaho na siyang nagpapalago sa ekonomiya ng bansa kung walang gurong humulma at humubog sa kanila.

Bilang pangalawang magulang, ang ating mga guro ang maituturing na susi sa ating mga pangarap.  Magulang man natin ang unang tumulong sa atin na mamulat sa mundo at nagsusustento sa ating pang-araw-araw na pangangailangan, ngunit ang ating mga guro ang siyang gumising sa ating natutulog na kakayahan at nagbukas sa ating kaisipan na siya namang naging sandata sa pag-abot sa hinahangad na pangarap. Sila ang mga susi sa bawat pintuan ng ating pansariling kakayahan kung saan nagagawa nating matuklasan at mahubog ang ating mga potensyal nang malaya, malikhain, at buong-buo.

Sa pagdiriwang sa natatanging araw ng ating mga guro, nawa ay maipadama natin ang ating taos-pusong pasasalamat at pagkilala sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal na walang pag-aatubiling iginawad nila sa atin.

Mabuhay ang lahat ng GURO sa mundo. Hangad namin ang lahat ng pagpapala at biyaya ng Maykapal ngayon at sa bukas na darating… Mabuhay kayo!


Guhit ni Joshua B. Baquilar














Fearless Moulders

 By Patricia Ann Francisco

 

Teaching profession is no doubt demanding,

Exerted efforts are stretched for learning,

Adequate tasks are time-consuming.

Cogent ways of educating might be depressing, and

Hortative deadlines are absolutely challenging;

Either way, their hard work will be redeemed by

Revitalizing their learners' dreams and

Stimulating them to gleam.

 

Articulate as they may seem,

Rich as they are famed,

Expert as they are named;

 

But behind those aesthetical adjectives,

Repetitive tasks and school works bear them aches,

Ailing their passionate hearts to break.

Valiants in our modern world they are heroes

Educators, teachers, moulders, and mentors, they are called.

Illustrated by: Joshua B. Baquilar