ni Jesie Maido
Kumusta ang ilang dekadang pakikibaka?
Ilang pangarap na ba ang naitaguyod at
naisalba?
Mga pagod na matagal nang humihingi ng
pahinga,
Sana ngayon ang pag-asam ay nakamtan na.
Pagtuturo - isang propesyon, bokasyon
at misyon;
Dito nasusukat ang tibay, pasensya at
determinasyon.
Laba’y sinusuong kahit walang ibang proteksyon
Mga kabataan mabigyan lamang ng sapat
na edukasyon.
Nagsisilbing tulay sa mga hirayang
napagod maghintay,
Tagagabay sa pagtuklas ng panibagong karunungan
sa buhay.
Sa kasiyahan at kabiguan sa mga
kabataan nagsisilbing karamay,
Walang pag-aalinlangang buhay iaalay
makamtan lang rurok ng tagumpay.
Papel na ginagampanan sa buhay walang
makapapantay
Nagbibigay liwanag sa sa madilim na landas
Nagsisilbing susi sa saradong isipan
GURO ka, hindi GURO lamang.
No comments:
Post a Comment